Trivia trivia tayo.

1. Umattend ako ng day care noong four years old ako pero wala pang one week, nag-drop out na ako.


2.Ang sagot ko sa “What’s your ambition?” noong elementary ako ay engineer o doctor. Either of the two lang kasi yun ang sikat eh.


3. Snob at introvert ako ever since, tingin nga sa akin noon autistic.


4. Ayoko ng sea foods. Especially crabs at prawns. Nakakatamad kainin.


5. Ayoko rin ng fried eggs. Bad trip na ang araw kapag yan ang breakfast.


6. Grade II ako nang napilitang sumali sa singing contest sa school at never ko nang inulit ever since.


7. Grade 3 ako nagsimulang magtelebabad.


8. First year ako natutong maggitara dahil trip ko lang at tinuruan ko lang ang sarili ko gamit ang chord chart.


9. Once ko lang naging favourite subject ang mathematics nung na-perfect ko ang quizzes sa calculus at algebra sa isang grading nito lang fourth year hs.


10. Matipid akong magsalita kapag seryoso ako.


11. At matipid din akong magsalita sa mga taong di ko siniseryoso. (haaa? Ano nga ulet? Ironic ata)


12. Thoughtful at effortful ako.^^


13. Di ako nagfifit-in sa mga tao. Basta swak kami, yun na yun.


14. Chess player ako….. dati.


15. Last summer, nagpingpong ako hoping na gagaling but nawalan rin ako ng gana later on.


16. Pag nagkita tayo somewhere, siguradong ikaw ang unang papansin sa akin, kung hindi mo ako papansinin, who cares?


17. Minsan namamansin naman ako pag trip ko and if I’m being nice.


18. Mag-isa lang ako ngayon sa bahay.


19. Hate ko dati ang violet na halos isumpa ko sa lahat ng colors pero favourite ko na ngayon. Kaya naniniwala ako sa kasabihang “Change is the only constant thing on Earth”. (tama ba?)


20. Rank 5 ako nung grade 1. At masayang-masaya ako.


21. I hate cakes. Kahit anong cake pa yan. I don’t eat that much.


22. Lasagna is my all time favourite. (pizza as well)


23. Sabi ko noon hindi ko mamimiss ang high school pero miss ko na ngang talaga.


24. Grade 6 umiyak ako dahil tinukso ako ng kaklase ko sa isang taong dumaan lang sa classroom namin. Hihihi


25. Grade 3 ako malapit nang matamaan ng baseball ball (tama ba?) at halos tumigil ang mundo nung dumaan ang bola sa tip ng ilong ko. (hanggang ngayon, nakikita ko pa ang bola sa harap ko)


26. Speaking of nose, baluktot ang ilong ko dahil nagkabanggaan kami ng kaklase ko noong second year hs habang naghahabulan. At narinig ko talaga ang pag-crack ng ilong ko ha! (hanggang ngayon, kapag naiisip ko, napapa-ouch talaga ako!)


27. Hindi rin pantay ang balikat ko. Teehee.


28. Second year hs ang pinakamaraming kamalasang nangyari sa akin. (i.e. nawala ang pera ng room dahil sa carelessness ko; dumugo ang kilay ko dahil sa taguan; nagkaroon ako ng peklat sa magkabilang tuhod, baluktot na ilong, etc.)


29. Bilib talaga ako sa mga taong kumakain ng apoy. Itinuturing ko silang bayani pero 8 years old pa ako nun.


30. Grade 5 (ata) ako nagkaroon ng friendster pero nakalimutan ko rin ang password ko pagkatapos ko nag sign up.


31. Unli ako araw-araw (so text me na! lol)


32. Pigeon chested ako. Which means parang agila yung chest ko. (oh dibaaaaa?)


33. One day old pa lang daw ako nang matapakan ako ni ate ko sa dibdib. Two years old si ate ko ‘nun. Siyempre nag-freak out sila. (duhh) Inggit ata si ate sa pigeon chest ko.^^


34. Bata pa lang ako, hobby ko na ang ibangga ang ilong ko sa mga istante. (informant: mader ert)


35. Selosa ako.


36. I wear t-shirt anytime, anywhere.


37. As much as possible, iniiwasan kong maligo sa pools.


38. I like adventures a lot as long as me kasama ako.


39. May abnormal eye muscle contraction din ako.


40. Alam ko ang 13 original founder families ng secret organization na Illuminati.


41. Hinack ko ang pet society para lang maging number 1. Sorry po.


42. Dalawang cellphone na ang nawala ko at isa namang nasira.


43. Binasa ko yung orasyon na nakita ko sa isang magazine habang nakatingin sa full moon para sa crush ko noong grade 6. My gawd, nahihiya ako kapag naaalala ko. *__*


44. Never pa akong na-confine sa hospital o nadextrose.


45. Tinuruan ko ang kapatid ko magrecite ng alphabet na baligtad noong kinder siya. At nung nabalian siya ng buto, habang nasa operating room at naturukan ng super hyper na anaesthesia, nagrecite po siya ng alphabet na baligtad. Hihihi


46. Parang nagbago ako these past few days. I don’t know how. Side effect ata ng sakit ko?


47. I like to spend time in a quiet place, tas magandang view at may background music. (i.e first love by utada hikaru)


48. Good mood agad ako pag nagising ako sa isang umagang malamig at umuulan.


49. Muntik na akong malunod sa pool noong grade 4 ako. That’s the time when I decided na dapat akong matutong lumangoy.


50. Kapag nagalit ako, I’m being sarcastic.


51. LSS ko ngayon ang “the show” by Lenka.


52. Frustrated singer, painter, photographer, speaker at guitarist ako.


53. Hindi ako nag-uunan pag natutulog ako.


54. Pinangako kong magiging friendly sa mga bagong classmates ko ngayong college. Pero ewan ko, let’s just see.^^


55. Madalas akong “invisible to everyone” sa ym dahil trip ko lang.


56. Trip ko ring gumupit-gupit ng mga dahon noong bata ako at dinidikdik ko hanggang magkaroon na ako ng herbal medicine at tsaraaaaaaan! May produkto na ako. (how weird)


57. Mataas ang pride ko.


58. At napatunayan kong walang idinudulot na maganda ang sobrang pride.^^


59. Pampalipas oras ko ang pagtulog.


60. Favorite smell ko ang cheese na bagong labas sa microwave.


61. Kinancel ko ang plurk at twitter accounts ko kasi feeling ko wala namang paki yung mga tao sa pinaggagaggawa ko. (pathetic)


62. Nag-impromptu speaking ako noon sa rotary club about Cha-cha at hindi ko talaga alam ang mga pinagsasasabi ko.


63. Tumigil ang mundo ko nung una ko siyang makita. (guess who)


64. Pangarap ko noong magsuot ng glasses pero ngayon, hindi na.


65. Tinago ko ang toothbrush ni ate ko noong nagalit ako sa kanya.


66. Marunong ako noong mag-interpret ng meaning ng numbers. Actually, may libro nga para diyan.


67. Nagsusuot ako ng belo every church fellowship.^^


68. Hate ko ang mga taong showy, braggy, airy.WHATEVER!


69. Naiinlove ako sa mga lalakeng magagaling kumanta. (hmmm)


70. Ayokong makipag-usap ng personal sa mga taong di ko ka-close. Awkward kasi.


71. October 3, 2008- pinakamapait na hapon sa buhay ko. (charing)


72. Naiyak ako sa eve ng hs graduation at kasalanan yun lahat ng mga magagaling kong classmate na mahusay gumawa ng group msgs!


73. Halos araw-araw akong umiiyak noong kinder ako sa kadahilanang ayaw ko talaga pumasok ng school.


74. Gusto kong magkaroon ng all-girl band ngayong college kasi astig yun at miss ko na rin ang jamming ng “banda”. Recruitments will be on the first day of classes. ^^


75. First time kong magsindi ng posporo noong grade 2 ako kasi inutusan ako ng teacher ko na sunugin ang mga biodegradable wastes. (memorable talaga to mehhn. Dabest!)